Anak ng rural health center janitor, doktor na ngayon sa kanilang bayan. Kilalanin ang isa sa mga #Fyters ng Villareal, Samar.
Nang makapagtapos si Dr. Jearome Taboy bilang Iskolar ng Bayan sa UP Manila School of Health Sciences, pinili niyang manilbihan sa rural health unit kung saan dating nagtrabahong janitor ang kanyang ama. Siya ngayon ang nag-iisang doktor na lumalaban sa paglaganap ng COVID-19 sa kanyang bayan. — #FytCOVID19